Miyerkules, Pebrero 13, 2013

Nakakita ka naba ng magagandang kwento stungkol sa isang bayan?

 Nakakita ka na ba ng mga nakawiwiling na obra?
Kung hinde pa, puntahan nyo lamang ang pangkat1filipino.blogspot.com
Dito mo mararanasan ang mga kakaibang karanasan kahit sa simpleng paraan.
tungkol itosa aming napiling luagr, ang Antipolo City. Nakapaloob dito ang mga 
iba't ibang kwentong bayan at sining sa nasabing lugar tulad ng Paraisado, karnabal, 
at marami pang iba at kwentong bayan tulad ng alamat ng antipoolo at hinulugang
taktak.  Ano pang hinihintay nyo bisitahin nyo na ang aming blog!

Huwebes, Enero 24, 2013

“Paint Your Town in a Gown Contest” .




Wagi sina Paul Antido, Jerzon Samson, Jaypee Samson, kasama si Merlita Carig ng City Tourism, sa 'Paint your Town in a Gown Contest’ na ginanap sa SM Taytay na sinalihan ng mga munisipalidad sa Rizal bilang parte ng selebrasyon ng Araw ng Lalawigan.
Mga pintor ng Antipolo nanalo sa Paint your Town in a Gown contest
Tinanghal na grand winners sina John Paul Antido, Jerzon Samson at Jaypee Samson mga pintor na tubong Antipolo sa "Paint your Town  in a Gown" contest. Nagkamit sila ng P25,000 cash prize mula sa SM Prime Holdings.
Kaalinsabay ang contest sa pagdiriwang ng ika-111 anibersaryo ng Araw ng Lalawigan ng Rizal. Pinangunahan ng SM Prime Holdings ang sponsorship ng Rizal Inter-town painting contest ginawa upang magpakita ng sining at kultura ang bawat bayan sa probinsya ng Rizal.
“Deserving silang manalo. With the use of mixed media nakitaan na may painting edge kaya lumabas na 100 percent very good ang  gown. Kaya nanalo dahil naipakita ng artists sa gown kung ano ang nasa Antipolo, the culture, arts, tradition and history,” ayon kay Engineer Norbie Mendoza ng City Tourism office.
Sa pamamagitan ng Filipiniana gown bilang canvass na ginamit ng mga kalahok na mga pintor na gumamit ng uniformed at standard design sa manekin ng SM City Taytay kung saan ginanap ang paligsahan. Kinulapulan ng mga makukulay na pinta at disenyo ang buong gown na pinintahan at dinisenyuhan ng mga kalahok na pintor  sa event center ng mall mula alas dyes ng umaga hanggang alas nueve ng gabi. 
Eksklusibong bukas ang contest sa Tourism Offices sa bawat bayan ng probinsya ng Rizal lamang. Nagpadala ng dalawa hanggang apat na kalahok bilang kinatawan ng kanilang mga bayan upang lumikha ng entry.  Inendorso ang mga lumahok ng kanilang mga Punong Lungsod nagpatunay na residente sila ng kanilang bayan.
Nakabase ang criteria for judging sa artistic merit (creativity at execution), mga ginamit na materyales, kabuuang pagkapinta o ang dating nito sa publiko, at ang tamang paglalarawan sa tema.
Hindi lamang naipakita ng nasabing painting contest ang husay ng mga pintor, nailabas din ang kagandahan ng sining at kultura ng bawat bayan at maging sa Antipolo na may natatanging kasaysayan na inilarawan din ng mahuhusay nitong pintor.

Paraisado







PARAISADO
Paraisado ay nakatayo dahil Pinagsasama-sama ng dalawang iconic na mga bagay, ang Church at kariton, na kung saan ay napaka Pilipino.

Pilgrimahe ng Antipolo


Ang Pilgrimahe ng Antipolo ay pinaghihinalan nakakagamot o nakapagbibigay sa mga inaasam na bagay.

 isang buwan-mahaba pagdiriwang na pinagsasama-mga deboto at Pilgrimahe pagpitaganan ang "Our lady of peace and good voyage" sa Antipolo Church sa Antipolo City

Baston Ni Kabunian, Bilang Pero Di Mabilang






Ang obra na ito ay gawa ni Rodel Tapaya. Ito ay nakatanggap ng gantimpala sa Asia Pacific Breweries (APB) Foundation Signature Art  Competition sa Singapore noong Setyembre 15, 2011. Sa hilagang bahagi ng Pilipinas, Bontoc tribo ng mitolohiya na inilarawan sa isang napakalaki na katulad ng sa aso na naka-ligtas na mga tao mula sa isang baha. Sa isa pang kuwento, ang diyos, Lumawig, anak ni Kabunian, ginamit ang tela upang bumuo ng mga bundok. Sa isang Tagalog folktale.

Karnabal




KARNABAL ay isa sa mga pinaka malaking obra sa museo. ito ay gawa sa pakikipagtulungan ng iba't ibang pintor na kilala bilang salingpusa noong 1992.

HINULUGANG TAKTAK




Ang Hinulugang Taktak ay isang talon sa Pilipinas na matatagpuan sa lalawigan ng Rizal sa pulo ng Luzon. Binansagang isang Pambansang Liwasan ang napapalibutang lugar ng talon sa ilalim ng pangangasiwa ng Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Yaman (DENR). Isa ang talon sa dalawang pinakapopular na lugar na panturismo sa Lungsod ng Antipolo, and kabisera ng Rizal, kasabay ng Katedral ng Antipolo. Noong 1990, inihayag bilang isang Pambansang Dambanang Makasaysayan ang Hinulugang Taktak sa pagpasa ng Batas Republika Blg. 6964

ALAMAT NG ANTIPOLO

Sabi ng matatanda, ang mga magsasakang naninirahan sa kapatagan noong pahahon ng Kastila ay nagsilipat sa kabundukan upang makaiwas sa kalupita ng mga dayuhan. Sa kagubatan na sila namalagi para huwag masangkot sa kaguluhang nagaganap sa bayan. Ang patuloy na paghihimagsikan ay lalong nagpagalit sa mga Kastila. Umisip sila ng paraang maka-paghiganti. Maraming walang malay na Pilipino ang kanilang pinag-bintangang kasapi ng Katipunan at ipiniit sa madilim na karsel.


Nabalitaan ng mga naninirahan sa bundok ang gagawing paglusob ng mga guardia sibil sa kanilang lugar at sila ay natakot. Araw-gabi ang nangangambang mga kababaihan ay walang tigil sa pagdarasal upang sila ay iadya sa panganib na darating.
Hanggang isang araw, umakyat na nga sa bundok ang mga Kastila. Nakarating sila sa lugar na kung saan nagkakatipon-tipon ang mga nagdarasal. Sa pagtataka ng lahat ay biglang nagningning ang punong TIPOLO. Kaginsa-ginsa ay lumitaw ang Birheng Concepcion sa itaas ng puno. Palibhasa'y mga relihiyoso ang mga dayuhang ito, sila ay nahintakutan at nagsisi.
Marami ang nakakita sa pagmimilagrong iyong ng Birhen. Sila ay nagpasalamat sa saklolong ibinigay nito. Angmasamang balak ng mga Kastila ay hindi na natuloy, bagkus sila ay nanganakong ang pook na yaon ay kanilang igagalang. Masaya nilang ipinamalita sa kapwa nila Kastila ang nakitang pagmimilagro.
"Saang lugar iyon at kami man ay pupunta roon", tanong ng mananampalataya.
"Sa bundok. Itanong ninyo kung saan ang Tipolo at ituturo nila sa inyo." ang kanilang sagot.
Dahil sa paulit-ulit na pagtatanong ng mga taong doon ay dumarayo ng "Saan ang Tipolo?" tinawag nilang SANTIPOLO ang pook na ito na kalaunan ay naging ANTIPOLO.
Buhat noon, nakagawian na ng lahat, mahirap man o mayaman, ang pamamanata sa mataas na bundok na ito ng ANTIPOLO lalo na sa panahon ng Mahal na Araw.

Punong Tipulo



Ang puno ng Tipolo o ang Antipolo Tree ay isang mahalaga at makasaysayang punong kahoy sa Lungsod ng Antipolo. Bukod sa sinasabing dito hinango ang pangalan ng pook na ito ay sa mga sanga pa rin daw nito nakita ang imahe ng Birhen ng Antipolo matapos ang tatlong ulit na pagkawala nito sa pook ng Sitio Santa Cruz na unang pinagdalhan sa kanya, humigit-kumulang sa tatlong daan at pitumpo at siyam na taon na ang nakalilipas.



Bunga ng pangyayari, sa pook na iyon na ngayon ay kinatatayuan ng Antipolo Cathedral ay ipinagawa ng mga paring Hesuita ang simbahang bato noong 1630-1633 na sa kasamaang palad ay nawasak noong Marso 6-7, 1945 sa panahon ng pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa Pasipiko.


Ang punong kahoy na ito na ayon sa kasaysayan ay malaganap na tumutubo sa lahat halos ng panig ng Antipolo apat na raang taon na ang nakalilipas ay unang nakilala sa kanyang pang agham na pangalang (scientific name) Artocarpus Incisa. Subalit sa mga aklat na The Forest of the Philippines ni H.N. Whitford noong 1911; Commercial Woods of the Philippines ni E.G. Schneider; Minor Product of Philippine Forest ni William H. Brown noong 1920 ng Bureau of Forestry; gayon din sa aklat na Philippine Woods ni Luis J. Reyes ng Department of Agriculture and Commerce noong 1938 ay sinasabing Artocarpus Cummunis.


Ayon pa rin sa nabanggit na mga aklat ang punong kahoy na ito ay hindi lamang sa pook ng Antipolo matatagpuan. Maging sa mga lalawigan ng bansa buhat sa Cagayan hanggang Mindanao ay marami din nito. At sa bawat bayan o lalawigan ay may kanya-kanyang katawagan (common name) ito na gaya ng tipulo, tipolo, pakak, kamangsi, rima, ugob, pakak-bakia, tuyop, kamanse, dalungian, agob, basara, tagob, tugob, atipuno, antipolo, at iba pa.


Sinasabi pa rin sa nabanggit na mga aklat na ang mga punong kahoy na kapamilya ng Antipolo Tree ay ang Anubing (Artocarpus Cumingiana) at ang Nangka (Artocarpus entergra/integrefolia).


Sa ibang lalawigan ay sinasabi rin na kinakain ang murang bunga nito sa pamamagitan ng pagsasama sa nilagang karne. Ang magulang na mga buto naman ay ibinubusa na 'tulad ng balatong. Subalit dito sa Lungsod ng Antipolo ay hindi kinakain ito. Ang tuyong dahon laman nito, kasama ang tuyong dahon din ng abocado at sariwang dahon naman ng pandan ay isinasama sa pinakulo o nilagang tsaa upang maging mabango at malinamnam ang lasa.


Samantala, sa pahina 162 ng The heritage Illustrated Dictionary of the English Language International Edition, na ang punong kahoy na Artocarpus Cummunis ( or A. Incisa) ng pook ng Polynesia ay ang tinatawag na Breadfruit. Subalit sa pahina 158 naman ng The New International Encyclopedia 1996 Edition published by Triden Press International ay sinasabi na sa South Pacific ang Breadfruit nila ay ang Artocarpus Atilus na kapamilya ng mga puno ng mulberry ay kinakain ang bunga. Marami rin daw ang tumutubo nito sa tropical America. Kung ano ang pagkakahawig, pagkakamukha, o pagkakaiba ng mga iyon sa ating Antipolo Tree ay malalaman natin sa ibang pagkakataon.


Samantala pa rin, sa gitna ng kahalagahan ng Antipolo Tree, ang lahat halos ng sektor ng mga mamamayan ng Lungsod ng Antipolo ay waring walang pagmamalasakit dito. Katunayan, samantalang isinusulat ito, humigit-kumulang lamang marahil sa bilang na limampu ang natitirang tumutubo doon na halos walang pumapansin liban kung ang lilim nito ay gagawing pananggalang sa init ng araw at mga bahagyang pag-ambon.


Sa liwasang bayan ng Lungsod ng Antipolo, lubhang napakahirap paniwalaan subalit tutoo, wala kahit isang puno ng Antipolo Tree ang nakatanim o tumutubo dito. Maging sa mga lote ng pribado at publikong paaralan dito sa Antipolo ay mahirap makakita ng kahit isang Antipolo Tree na tumutubo doon. Kung mayroon man, napaguusapan kaya ng mga guro at mga estudyante nila ang tungkol sa punong kahoy na ito?


Sa gilid ng open space na kinaroroonan ng basketball court ng Monte Rosas Executive Village sa Barangay Dela Paz ay may dalawang puno ng Antipolo Tree na itinanim ng inyong lingkod walong taon na ang nakalilipas. Napakaganda ng tubo, malilim at malaking kasiyahan ang naidudulot nito sa mga naninirahan doon lalo na sa kanilang mga kabataan. 


Sa tabi ng gusali ng yumaong Francisco "komong" Sumulong sa Ninoy Aquino Blvd., Barangay Dela Paz na kung saan naroroon ang tanggapan ng DENR, ay isang magandang puno ng Antipolo Tree ang matatagpuan. Iyon ay kaloob ng iyong lingkod kay Ka Aging Reyes Sumulong walong taon na ang nakalilipas. Maidadagdag pa rin natin dito na sa tabi ng Barangay Hall ng Dalig ay isang napakaganda ring Antipolo Tree ang itinanim ni Kapitan Engineer Loni M. Leyva. Gayon din sa tabi ng magandang tahanan nina Doktora Resurrection Marrero-Acop, MD sa Barangay Dela Paz; Dr. Juan F. Torres Jr. MD sa Cottonwood Height; at Rico Naidas sa tabi ng kanilang Las Brisas Hotel & Conference Center malapit sa Beverly Hills. Sa mga taga-Antipolo, matapat nating pahalagahan ang puno ng Tipulo, ang Antipolo Tree, na luntiang simbulo ng maluwalhating kaysaysayan, kultura, at mga tradisyon ng ating Lungsod.