Huwebes, Enero 24, 2013

“Paint Your Town in a Gown Contest” .




Wagi sina Paul Antido, Jerzon Samson, Jaypee Samson, kasama si Merlita Carig ng City Tourism, sa 'Paint your Town in a Gown Contest’ na ginanap sa SM Taytay na sinalihan ng mga munisipalidad sa Rizal bilang parte ng selebrasyon ng Araw ng Lalawigan.
Mga pintor ng Antipolo nanalo sa Paint your Town in a Gown contest
Tinanghal na grand winners sina John Paul Antido, Jerzon Samson at Jaypee Samson mga pintor na tubong Antipolo sa "Paint your Town  in a Gown" contest. Nagkamit sila ng P25,000 cash prize mula sa SM Prime Holdings.
Kaalinsabay ang contest sa pagdiriwang ng ika-111 anibersaryo ng Araw ng Lalawigan ng Rizal. Pinangunahan ng SM Prime Holdings ang sponsorship ng Rizal Inter-town painting contest ginawa upang magpakita ng sining at kultura ang bawat bayan sa probinsya ng Rizal.
“Deserving silang manalo. With the use of mixed media nakitaan na may painting edge kaya lumabas na 100 percent very good ang  gown. Kaya nanalo dahil naipakita ng artists sa gown kung ano ang nasa Antipolo, the culture, arts, tradition and history,” ayon kay Engineer Norbie Mendoza ng City Tourism office.
Sa pamamagitan ng Filipiniana gown bilang canvass na ginamit ng mga kalahok na mga pintor na gumamit ng uniformed at standard design sa manekin ng SM City Taytay kung saan ginanap ang paligsahan. Kinulapulan ng mga makukulay na pinta at disenyo ang buong gown na pinintahan at dinisenyuhan ng mga kalahok na pintor  sa event center ng mall mula alas dyes ng umaga hanggang alas nueve ng gabi. 
Eksklusibong bukas ang contest sa Tourism Offices sa bawat bayan ng probinsya ng Rizal lamang. Nagpadala ng dalawa hanggang apat na kalahok bilang kinatawan ng kanilang mga bayan upang lumikha ng entry.  Inendorso ang mga lumahok ng kanilang mga Punong Lungsod nagpatunay na residente sila ng kanilang bayan.
Nakabase ang criteria for judging sa artistic merit (creativity at execution), mga ginamit na materyales, kabuuang pagkapinta o ang dating nito sa publiko, at ang tamang paglalarawan sa tema.
Hindi lamang naipakita ng nasabing painting contest ang husay ng mga pintor, nailabas din ang kagandahan ng sining at kultura ng bawat bayan at maging sa Antipolo na may natatanging kasaysayan na inilarawan din ng mahuhusay nitong pintor.

1 komento:

  1. WOW ! nice blog .. siguro mas maganda kung magbigay pa kayo ng iba pang impormasyon about sa antipolo .. thanks :)

    TumugonBurahin